Havaianas VS. Spartan

 

Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG !-hAH- va- yaH-naZz!! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang ,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman..

Malulupit na katangian at kakayahan:
– Masarap isuot.
– ‘Shock-absorbent ‘
– Malambot ngunit matibay.
– Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
– Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
– Mainam na pang-japorms.
– Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
– Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
– Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
– Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

Olats na mga katangian:


Mahal!
Mahal!
Mahal!
_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: Ako at ang masa! Nyahaha!

Malulupit na katangian at kakayahan:
– Maaring ipampatay sa ipis.
– Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho..
– Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
– Pwedeng ipamalengke.
– Mainam gamitin sa tumbang-preso.
– Mainam gawing ‘shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan.
– Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
– Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
– Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
– Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).

Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas .

 

 

.


__,_._,___

 

Forwarded by: Wifey (Havaianas adik)

Photo: Cris N.

Advertisements

TO ALL THE KIDS WHO WERE BORN IN THE…

 


…1950’s, 60’s and 70’s !!

First, some of us survived being born to mothers who smoked and/or drank while they carried us.. ( sioktong ang inumin)
 
They took aspirin, ate blue cheese dressing,
fish from a can ( brand : ligo ) , and didn’t get tested for diabetes.
 
Then after that trauma, our baby cribs were covered with bright colored lead-based paints , pati na yung laruang kabayu-kabayuhan.

 
We had no childproof lids on medicine bottles, doors or cabinets and when we rode our bikes, we had no helmets, no
kneepads , sometimes wala ngang preno yung bisikleta.
 
As children, we would ride in car with no seat belts or air bags
– hanggang ngayon naman, di ba ? ( jeep )
 
Riding in the back of a pick up on a warm day was always a special treat.
( maykaya kayo pare ! )
 
We drank water from the garden hose and NOT from a bottle
( minsan straight from the faucet)
 
We shared one soft drink with four friends, from one bottle and NO ONE actually died from this.
Or contacted hepatitis.
 
We ate
rice with tinunaw na purico ( dahil ubos na ang star margarine) , nutribuns na galing kay macoy and drank sopdrinks with sugar in it, but we weren’t overweight kasi nga ….. .
 
WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!

 
We would leave home in the morning and play all day, as long as we were back when the streetlights came on.
Sarap mag patintero, tumbang preso , habulan taguan….
 
No one was able to reach us all day ( di uso ang celfon , walang beepers ). And we were O.K.

 
We would spend hours building our
trolleys or slides out of scraps and then ride down the street, only to find out we forgot the brakes. After running into the bushes a few times, we learned to solve the problem .
 
We did not have Playstations, Nintendo’s, X-boxes, no video games at all, no 99 channels on cable, no video tape movies, no surround sound,
no cell phones, no personal computers, no Internet or Internet chat rooms……. ….WE HAD FRIENDS and we went outside and found them!

We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no

lawsuits from these accidents. The only rubbing we get is from our friends with the words…..masakit ba ? pero pag galit yung kalaro mo,,,,ang sasabihin sa iyo…..beh buti nga !

We play in the dirt , wash our hands a little and ate with our barehands…we were not afraid of getting worms in our stomachs.

We have to live with homemade guns – gawa sa kahoy, tinali ng rubberband , sumpit , tirador at kung ano ano pa na puedeng makasakit…..pero walang nagrereklamo.

made up games with sticks ( syatong )and cans ( tumbang preso )and although we were told it would happen, wala naman tayong binulag o napatay….paminsan minsan may nabubukulan.

We rode bikes or walked to a friend’s house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them!

Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn’t had to learn to deal with disappointment. Walang sumasama ang loob.

Ang magulang ay nandoon lang para tignan kung ayos lang ang bata….hindi para makialam.

This generation of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers and managers ever!

The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas.

We had freedom, failure, success and responsibility, and we learned

HOW TO

DEAL WITH IT ALL!

And YOU are one of them!

CONGRATULATIONS!

You might want to share this with others who have had the luck to grow up as kids, before the government regulated our lives for our own good.

and while you are at it, forward it to your kids so they will know how brave their parents were.

Kind of makes you want to run through the house with scissors, doesn’t it?!

PS – The big type is because your eyes may not be able to read this…. at your age

ok lang ba?
pakipasa nga ito sa mga tunay mo na kaibigan para makaalaala pa.

 

 

 

 

 

 

 

Forwarded by: Noel S.