Meralco And Napocor

Pakibasa po ng malaman nyo gaano ka-corrupt ang govt. natin
Sa electric bill natin!



    Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30
    sec ang masalimuot na system loss na yan..:)


    Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo
    ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong
    binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman..


    Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga
    distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical
    network, pati na ang mga substation and step-down transformers para
    nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,
    palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at kung maaari ay
    alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter
    readings, pilferage ! at kung ano ano pa…


    At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa ng system loss?
 
    Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag me maintain ng
    power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system
    loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman iyan sisingilin
    ng meralco..


    Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday..
    pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng
    ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng
    ating electric bill…


   
Generation charge
    Tax on Generation charge
    Transmission charge
    Tax on Transmission charge
    System loss
    Tax on System Loss
    Distribution, Metering and Supply charges
    Lifeline rate subsidies
    Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate
    subsidies
    Local franchise tax
    Universal charges

    I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo… pero
    napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang babayaran natin?

    Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating
    sa bahay naten..

    Ang napocor or IPP ang mag po produce ng koryente…bago pa maka
    alis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51
    cents /kwh.

    Ang koryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa
    distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli tayong bubuwisan
    ng gobyerno, this time 11 cents/kwh

    Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng
    buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax…

    At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong
    bubuwisan ng gobyerno… ng system loss tax..

    A eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang iyong electric
    charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time yung 12% e-vat.
    Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang
    muli ng isa pang tax…

    Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation… pero sa
    ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa batas kase lampas
    na sa double eh (sarcastic lang po)

    At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino… Ang
    napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng supply ng coal
    na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng napocor… sasairin nila
    yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at
    dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency
    purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan man, dahil sa
    ikli ng time table, walang makakapag bid.

    SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa
    kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto, anlaki na ng
    patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market..
    idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pag ta
    transport ng coal… na shempre muling pagkakakitaan ng mga napocor
    executives.. ..

    Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng
    gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?

    Kaya bago natin husgahan si Juday, sa kanyang paliwanag ng system
    loss, at bago natin awayin ang meralco sa taas ng singil ng
    kuryente.. tignan muna natin ang pinag uugatan ng mahal na singil…
    si meralco lamang ba ang salarin? or ginagamit rin lang sila ng
    corrupt na gobyerno para lalo tayong pahirapan?

Kabayan please dont keep this message!

Forwarded by: Daph (thru tup-vians yahoogroups)

Advertisements

1 Comment

  1. at 2012 wala nang napocor privatize na lahat ng major power plant nila at wala na ring transco NGCP na. privatize na rin. ANO NA? NAGMURA BA ELECTRICITY BILL MO? mas mura ba electricity sa private?


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s