SENIOR DISCOUNTS

Reasons Why the Government Gives Discounts to Senior Citizens:

1. FOOD – marami nang bawal.
2. TRANSPORTATION – nahirapan nang sumakay.
3. GROCERIES – ‘di na kayang buhatin.
4. CINEMA – malabo na ang mata.
5. CONCERTS – mahina na ang pandinig.
6. GAMOT – hindi mailunok.
7. HOTELS – anong gagawin naman doon.

Enjoy life while you’re still young, don’t wait for discounts.

***

 

Forwarded by: Terry T.

Fw: JOKE TIME!!! (SOME OLD, SOME NEW)

 

Blonde Pinay   

A blond Pinay, wanting to earn some money, decided to hire herself out as a handyman-type and started canvassing a wealthy neighborhood. She went to the front door of the first house and asked the owner if he had any jobs for her to do. ‘Well, you can paint my porch. How much will you charge?’ The blond Pinay said, ‘How about pipty dollars?’ The man agreed and told her that the paint and ladders that she might need were in the garage. The man’s wife, inside the house, heard the conversation and said to her husband, ‘Does she realize that the porch goes all the way around the house?’ The man replied, ‘She should. She was standing on the porch.’ A short time later, the blond Pinay came to the door to collect her money. ‘You’re finished already?’ he asked. ‘O-o,’ the blonde Pinay answered, ‘and I had paint lept ober, so I gabe it two coats.’ Impressed, the man reached in his pocket for the $50. ‘And by the way,’ the blond added, ‘it’s not a Porch, it’s a Perrari’

 

1-10   

Nanay: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
Anak: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, ‘tama na inday, hanggang tatlo lang kaya ko.’

 

Ano ang pagkain?  

Mister: Ano ang pagkain natin?
Misis: Nasa mesa, bahala ka na pumili!
Mister: Isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko?
Misis: Pumili ka kung kakain ka o hindi!

 

Overseas Call

IDD call from US:
Husband: Hon, musta ang tindahan?
Wife: Department store na!
Husband: Ang tuba-an?
Wife: KTV bar na!
Husband: Ang mga tri-sikad?
Wife: Taxi na!
Husband: Ang dalawa kong anak?
Wife: Lima na!

 

Horoscope 

Sweethearts watchin’ the sky…
Guy: Ano ang horoscope mo?
Girl: Anong huruskup?
Guy: Yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER.
Girl: Ah, sa akin ALMURANAS!

 

Almusal

Donya: Bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay alasais empuntu!
Maid: Walang problema donya. kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na kayong mag-almusal!

 

Nirape…

Maid: Ma’m, ni-rape ako ng magnanakaw kagabi…
Madam: Bakit di ka sumigaw?
Maid: Eh, akala ko po si Sir, pero nung makadalawa, nagduda na ako!

 

 

Mayaman – Mahirap

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

 

Pangarap

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! Yan din ang pangarap niya!

 

Dalawang mayabang…

Usapan ng dalawang mayabang….
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

 

Nitrates

A Chemistry teacher asked a sexy student, ‘What are Nitrates?
The student replied shyly, ‘Ma’am, sa motel po. Nitrates are higher than day rates!’

 

Siling  Labuyo 

Ate: Musta date mo sis? Epektib ba payo ko, siling labuyo sa nipples mo para di ka galawin ng bf mo?
Sis: Hay naku Ate, palpak! Ginanahan pa lalo, eh, uragon (read: Bicolano) pala!

 

Madre’t  Sakristan 

Madre: Ano ang apelyido mo, iho?
Sakristan: Alam nyo na ho yun sister, lagi nyo po yun hinahawakan.
Madre: Susmaryosep! Bayag ba ang apelyido mo?!
Sakristan: Sister naman, Rosario po.

 

Katapusan na! 

Lumindol ng malakas noon…
Nagkagulo ang lahat at nag panic!
Sumigaw ang isang lalaki…’Katapusan na! Katapusan na!’
Sumagot ang isa pang lalaki….
‘Tanga! A-kinse pa alang!’

 

Utot

Pupil: Mam, bumubukol po ba ang utot?
Teacher: No! Definitely not! Kasi hangin lang yun! Remember, hindi bumubukol ang utot…
Pupil: Naku patay! Tae na to!

 

 

Sa  Airplane

Sa isang mumurahing airline…
Stewardess: Sir, would you like some dinner?
Passenger: Ano ba ang mga choices?
Stewardess: ‘Yes’ or ‘No’ lang po.

 

Walang  Syota

Pare1: Pare, bat naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
Pare2: Meron.. Manhid ka lang!

 

Sa  Isang  Ospital

Lola (may cancer): Doc, anong gagawin niyo sa akin?
Doc : Che-chemo, lola.
Lola : Titi mo rin! Bastos ka! Walang modo!

 

Top One

Boy: Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
Nanay: Ba’t mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase. Ang tinuro ni ma’am yung katabi ko. Muntik na ako!

 

 

Forwarded by: Joylyn

Dilemma of Accounting in Filipino

ACCOUNTANTS (Pagtutuos), TAKE NOTE!!!

A bill filed by Sen. Lito Lapid asks that Proposed laws should be written in Filipino (Pilipino). Likewise, the official spoken language In the senate should be Filipino.

But I doubt this bill will see the light of day.

Read on to know why.

Ang Paggamit ng Wikang Pilipino

A young, good-looking representative from Laguna sponsored a bill Recommending the Filipino language be used in all Levels of accounting firms and Banking institutions. The solon claimed it will Provide a better understanding of the business transactions for Those who are inexperienced And non-English speaking citizens.

The bill received unanimous approval from the Hou se and was presented to the President for signature To become the law of the land. But in Spite of the overwhelming pressure from the members of The Congress, the President vetoed the bill.

Why?

She explained that when the English “business” words are translated in Tagalog, They sound very malicious malaswa) And are “nakaka-hiya at Nakaka-kilabot! ”

Very Manila High ang dating, I should say.

Here are a few sample words – English to Filipino

Asset – Ari
Fixed asset – Nakatirik na ari
Liquid asset – Basang ari
Solid asset – Matigas na ari
Owned asset – Sariling pag-aari
Other asset – Ari ng iba
Miscellaneous asset – Iba’t-ibang klaseng ari
Asset write-off – Pinutol na pag-aari
Depreciation of asset – Laspag na pag-aari
Fully depreciated asset – Laspag na laspag na Pag-aari
Earning asset – Tumutubong pag-aari
Working asset – Ganado pa ang ari
Non-earning asset – Baldado na ang ari
Erroneous entry – Mali ang pagka-pasok
Double entry – Dalawang beses ipinasok
Multiple entry – Labas pasok nang labas pasok
Correcting entry – Itinama ang pagpasok
Reversing entry – Baligtad ang pagkakapasok
Dead asset – Patay na ang ARI

 

 

Forwarded by: Terry

Top 20 signs of a Pinoy flick

(got my own contribution below)

Top 20 signs of a Pinoy flick

So how would you know that you are watching a Pinoy movie?

Here are the “Top 20 Signs” according to a reader who didn’t identify him/herself (thanks to you!):

1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano , sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

my own contribution (crisn):

At pagprinomote nila ang sa TV eto ang linya

Comedy:  “…panoorin nyo po ang aming pelikula…tiyak na magugustuhan nyo…meron po etong sayawan, kwentuhan, drama at may aral na mapupulot…”

Action: “…panoorin nyo po ang aming pelikula…tiyak na magugustuhan nyo…meron po etong drama, barilan at may aral na mapupulot…”

ST: “panoorin nyo po ang aming pelikula…tiyak na magugustuhan nyo…meron po etong bed scene at may aral na mapupulot…”

 

at madalas eto naman ang mga sagot ng bidang babae sa tanong,  “bakit ka naghubad?”

sagot1: “kasi kailangan sa script”

sagot2: “kasi gusto ko na mag-mature roles naman”

sagot3: “ok lang naman sa pamilya ko, trabaho lang naman”

sagot4: “art”

sagot5: “magaling naman kasi si direk”

 

 

 

 

 

Forwarded by: Ria

 

Mga Aral ng Magulang

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
   
        “Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”
 
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
 
        “Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
 
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
 
        “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
 
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
 
        “Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”
 
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
       
        “Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
 
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    
        “Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”
 
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
 
        “Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!”
 
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
 
        “Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
 
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
 
        “Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
 
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
 
        “Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”
 
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
 
        “Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”
 
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
 
        “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
 
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
 
        “Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
 
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay * kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
 
        “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
 
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
 
        “Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
 
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
 
        “Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”
 
 
** Oh ano… meron ba kayong natutunan?? **

 

 

Forwarded by: Terry

Pampalamig Ng Ulo

Misis :  Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister:  Guni-guni!
***
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang hindi siya mababastos?
SAGOT: ‘Uhm, excuse me, miss…Mang Tomas ba ang lotion mo?’

***
Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!

***
Nanay:  Ano ‘tong malaking zero sa test paper mo?
Anak :   Hindi po ‘yan zero, ‘Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang ‘yan, ‘Nay, promise!

***
Mga sikat na salawikain:
Better late than pregnant.
Kapag may tiyaga, good luck!
Aanhin pa ang damo…kabayo ba ako?
Do unto others, then, run! Run! Run!
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa.
Ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit.    


***
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan:  Di ko po kilala.
Guro:  Ikaw Pepe?
Pepe:  Di ko rin po kilala..
Guro:  Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro:  Ma’m, baka po sa kabilang section sya!
***
Paano humamon ng AWAY ang …
BULAG?
Magpakita kayo mga Duwag!
DULING?
Isa Isa Lang! para patas ang Laban!
PILAY?
Patay kung Patay! Walang Takbuhan!

***
Husband: Kung di ako makaligtas sa operasyon ko bukas, ikaw na sana ang bahala sa lahat-lahat. .. I LOVE YOU!
Wife: Tumigil ka! wala pang namamatay sa TULI!

***
Pedro: Pare balita ko bading ka daw. totoo ba?!
Ambo: Pare, Mga chismax lang ‘yun galing sa mga chuvanes na walang magawa sa mga chenilyn nila…. chura nila! hmpf!

***
Boy: Di na tuloy ang kasal natin
Girl: Bakit?!
Boy: Kuya mo kasi eh!
Girl:  Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!
Boy:  Yun nga eh…gusto ko rin ang kuya mo!

***
Juan: San ka galing?
Pedro: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh… Lumalaban!!

***
BALIW (tumawag sa mental hospital):  Hello… may tao po ba sa Room 168?
Telephone Operator:  Wala po, bakit?
Baliw:  Check ko lang kung nakatakas talaga ako!
***
Misis:  lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto.
Timing (dumaan ang mister nya….)
Misis:  Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister:  Yoko sayo…kamukha mo misis ko!

 
***
American guy named Paul challenged a Filipino:
American:  Use my name 4 times in a sentence!
Pedro:  Paul, be carePaul, you might Paul in the swimmingPaul.

 
***
Biyaya na makukuha sa Gulay:
AMPALAYA –  pampapula ng dugo
KALABASA –  pampalinaw ng mata
TALONG –  pampatirik ng mata
MANI –  pampatirik ng TALONG. Ay! nalito na ako.

***

Quote for the Day…
Ang Buhay ay parang bato…it’s Hard.***
Kapag may kaaway ka, tandaan mo….dito lang ako… dito lang talaga ako…tapos dyan ka lang, wag kang pupunta dito! Baka madamay ako.

 

***
Prospective Employer to Applicant: ‘ So why did you leave your previous job?’
Applicant: ‘ The company relocated and they did not tell me where!’

***
Juan: Birthday ng asawa ko…
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.

 

 

Forwarded by: Romelee

Ano Daw?

Ako’y nalilito dito…

Bakit tinatawag na rush hour ang isang oras pero pinakamabagal naman ang trapiko sa kalsada

Bakit ang Boxing Rings ay Square dapat bilog di ba?

Bakit pag nagmamaneho tayo ng sasakyan at hinahanap natin yung isang address. bakit pa natin hinihina o pinapatay ang volume ng radio, eh mata naman ang ginagamit dun at hindi tenga, di ba?

Bakit tinawag na lipstick kung nagagalaw mo pa din ang lips mo pagkatapos mong maglagay nun, di ba?

Kung walang dumidikit sa teflon (kaldero at kawali) paano dinikit ang teflon sa base ng mga kaldero at kawali?

Bakit ang tawag sa mga taong nagiinvest ng pera ay Broker?

Bakit ang mga Lemon juice ay gawa sa artificial na flavor samantala ang mga dishwashing liquids ay gawa sa real lemon?

Kung bang nabubuhay si Harry Houdini, nil-lock pa ba niya ang kanyang sasakyan?

Kung ang alak ay galing sa ubas at hinintay ng matagal na panahon para sumasarap, eh bakit nde na lang gawin natin ang alak sa pasas kug hihintayin pa natin ang panahon para sumasarap?

Bakit ang tawag sa Third hand sa relo ay second hand?

Bakit ang hindi pedeng matulog o magpahinga sa mga Restroom?

Kung tatanggalin mo ang pakpak ng butterfly pede mo na bang tawaging butterwalk?

Fly pa ba din ang tawag kung natanggalan na sila ng pakpak?

Bakit tayo nagddrive sa parkway at nagppark naman tayo sa driveway?

Bakit ang mga briefs ay may butas sa gitna, alam naman natin na walang silbi ang mga yun?

Pagnakasuot ka bang ng slippers ikaw ba ay madudulas?

 

Forwarded by: Wifey

 

 

 

 

  • Calendar

    • August 2017
      M T W T F S S
      « Jan    
       123456
      78910111213
      14151617181920
      21222324252627
      28293031  
  • Search