Mga Aral ng Magulang

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
   
        “Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”
 
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
 
        “Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
 
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
 
        “Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
 
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
 
        “Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine.”
 
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY.
       
        “Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
 
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    
        “Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”
 
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
 
        “Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!”
 
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
 
        “Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
 
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
 
        “Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
 
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
 
        “Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”
 
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
 
        “Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”
 
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
 
        “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
 
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
 
        “Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
 
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay * kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
 
        “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
 
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
 
        “Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
 
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
 
        “Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”
 
 
** Oh ano… meron ba kayong natutunan?? **

 

 

Forwarded by: Terry

Sulat ng Isang Magulang

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako
sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihang
“binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay
ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana
akong. Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan.

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

 

Forwarded by: Terry